
Nagtipon ang komunidad ng Mountain Province State University (MPSU), sa pangunguna ni University President Dr. Edgar G. Cue, para sa regular na seremonya ng pagtataas ng watawat nitong Agosto 11, bilang pagsisimula ng panibagong linggo. Naging punong-abala sa seremonya ang Physical Activity for Health and Fitness (PATHFIT).
Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026,binigyang-diin ng seremonya ang mahalagang papel ng wika sa pagpapanatili ng kultura, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng mga Pilipino. Patuloy na itinataguyod ng MPSU ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa mga katutubong wika bilang mahalagang bahagi ng ating pambansang identidad at mayamang pamanang kultural.
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮!






