MPSU Highlights Health and Wellness Through Flag Ceremony


‎Muling nagtipon ang komunidad ng Mountain Province State University (MPSU), sa pangunguna ni University President Dr. Edgar G. Cue, para sa lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat nitong Agosto 24, bilang pagsisimula ng panibagong linggo. Naging punong-abala sa seremonya ang Yunit ng mga Serbisyo sa Kalusugan.

‎

‎Sa seremonya, iginawad ang mga sertipiko sa mga kalahok ng Yumap-ewan Ya Kumedselan Challenge, isang weight loss activity na naglalayong hikayatin ang komunidad ng MPSU na magkaroon ng mas malusog at aktibong pamumuhay. Unang kinilala at ginawaran ng sertipiko ang mga nagwagi sa naturang hamon, na sinundan ng paggawad ng Sertipiko ng Pagtatapos at Pakikilahok sa mga matagumpay na nakatapos at aktibong nakilahok sa nasabing programa.

‎

‎Ang pagkilala sa mga kalahok ay nagsisilbing inspirasyon sa komunidad ng MPSU na bigyang-halaga ang kalusugan, disiplina, at pagpapanatili ng isang aktibong pamumuhay.

Related Posts

Strengthening MPSU, Sustaining Excellence: Prexy Cue highlights Long-Term Quality and Growth

MPSU President Dr. Edgar G. Cue, through his Chief of Staff, Dr. Karen B. Cue, graced the second…

Oct 22, 2026

Fuel Your Finals: Free Biscuit Station at Gimata Bridge

𝗔𝘁𝘁𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗣𝗦𝗨-𝗕𝗼𝗻𝘁𝗼𝗰 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀! Good luck with your final examinations! To help you power through, drop by the Gimata…

Oct 22, 2026

Scroll to Top