MPSU, itinampok ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa gitna ng pag-usbong ng AI


Ipinagdiwang ng Mountain Province State University (MPSU) ang Buwan ng Wika 2026 ngayong Setyembre 2 sa MPSU Bontoc Admin Lobby, na may temang β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Tampok sa pagdiriwang ang panawagan na patuloy na pahalagahan ang wikang Filipino at kulturang sariling atin kasabay ng responsable at makabuluhang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pagkatuto at pananaliksik.

Kinatawan ni University President Dr. Edgar G. Cue si Chief-of-Staff Dr. Karen B. Cue, na binigyang-diin ang paggamit ng AI bilang katuwang sa pagpapalawak ng kaalaman, habang nananatiling mahalaga ang wika, kultura, at pagpapasya ng tao sa paggamit ng teknolohiya.

Samantala, isinagawa rin ang iba’t ibang patimpalak tulad ng pagsulat ng sanaysay, pagkukuwento, tulang bigkas, dramatikong monologo, at dalawahang pag-arte upang maipamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa paggamit ng wikang Filipino.

Sa pagdiriwang, muling binigyang-diin ng MPSU ang mahalagang papel ng wikang Filipino at kultura sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at AI.

Related Posts

Strengthening MPSU, Sustaining Excellence: Prexy Cue highlights Long-Term Quality and Growth

MPSU President Dr. Edgar G. Cue, through his Chief of Staff, Dr. Karen B. Cue, graced the second…

Oct 22, 2026

MPSU IRDPE Sector Reviews Performance and Strengthens Strategic Alignment Through Sectoral Meeting

The Innovation, Research, Development, Publication, and Extension (IRDPE) Sector of Mountain Province State University (MPSU) conducted its sectoral…

Oct 21, 2026

Quality Assurance Update: Three MPSU Programs Pass Preliminary Survey Visit

π—€π—¨π—”π—Ÿπ—œπ—§π—¬ 𝗔𝗦𝗦𝗨π—₯π—”π—‘π—–π—˜ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜ || Following the accreditation survey visit of the Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities…

Oct 21, 2026

Quality in every action, Excellence in every service: Prexy Cue leads MPSU forward

MPSU President Dr. Edgar G. Cue graced the Integrated Management and Quality Assurance Workshop for the Premier Coffee…

Oct 21, 2026

Scroll to Top