
PARACELIS, Mountain Province — Pormal na binuksan ng Mountain Province State University (MPSU)-Paracelis ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Buwan ng Nutrisyon ngayong Agosto 7, 2026, sa pangunguna ng mga tagapagturo, kawani ng pamantasan, at mga mag-aaral.
Sa ilalim ng temang, โWika ang Daan, Nutrisyon ang Sandigan, Kalikasan ay Ating Alagaan para sa Malusog at Magandang Kinabukasan,โ layunin ng pagdiriwang na palakasin ang pagpapahalaga sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, wastong nutrisyon, at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang gawain at paligsahan. Ang isinagawang programa ay nagsilbing unang bahagi ng selebrasyon, na susundan pa ng iba pang aktibidad sa mga susunod na araw.






