
Muling nagtipon ang komunidad ng Mountain Province State University (MPSU), sa pangunguna ni University President Dr. Edgar G. Cue, para sa lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat nitong Agosto 17, bilang pagsisimula ng panibagong linggo. Naging punong-abala sa seremonya ang Tanggapan ng Internal Audit at Procurement.
Sa seremonya, kinilala rin ang mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) ng College of Accountancy, Business, Management and Information Technology (CABMIT) na lumahok sa Hack for Gov 5 – Cordillera Regional Competition na ginanap noong Agosto 13, 2026 sa Paragon Hotel, Baguio City, kung saan nakamit nila ang ikaapat na puwesto.
Kinatawan ng MPSU ang pangkat na binubuo nina Mierus Bay-os, Shekaina Botdoy, Angelica Ingin, at Xiryl Clint Pudlao, sa paggabay ng kanilang coach na si Ginoong Philip L. Balagtey.






