
Sa Lahat ng mga Mag-aaral, Guro, at Kawani:
Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na dumalo, manood, at makisaya sa ating Pampinid na Programa (Culminating Program) at Mismong Patimpalak (Contest Proper) para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika!
Lugar: MPSU Bontoc Admin Lobby
Petsa at Oras: Setyembre 1, 2026, 1:30 ng hapon
𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞:
Pagsusumite ng Piyesa: Sa lahat ng mga mag-aaral na lalaban, mangyari po lamang na isumite ang inyong mga piyesa para sa paligsahan sa Events Management Office sa Setyembre 1, 2026, bago o pagsapit ng 10:00 ng umaga.
Pagsulat ng Sanaysay: Para sa mga kalahok ng kategoryang ito, inaasahan po ang inyong pagdalo sa Admin Conference Hall sa Setyembre 1, 2026, 9:30 ng umaga para sa mismong oras ng patimpalak.






