
Agosto 11, 2025 โ Isinagawa ng pamayanan ng MPSU ang tradisyunal na seremonya ng pagtaas ng watawat suot ang kanilang maririkit na Filipiniana at Barong Tagalog.
Pinagyaman ang programa ng mga salita mula sa Bibliya na ibinahagi ng Koordinador ng Campus Ministry na si G. Philip Balagtey. Masinsinan niyang ipinaliwanag ang talata: โMabagal sa pagsasalita, mabagal sa pagkagalitโ, kung saan ang mahinahong tugon ay nakapapawi ng apoy ng galit, samantalang ang mapanakit na salita ay maaaring makasugat sa isang relasyon.
Ang mga mahahalagang anunsyo sa seremonya ay ang mga sumusunod:
Ipinakilala ni SSC President Hill Coleman Awichen ang mga bagong hanay ng opisyal ng bawat departamento na opisyal na idineklara ng Student Commission on Election bilang mga nanalo mula sa katatapos lamang na departmental election noong nakaraang linggo.
Mula sa School of Teacher Education, ipinaalam ni Dr. Olivia Yangat ang gaganaping panapos na pagdiriwang ng Buwan ng Wika na ipagdiriwang sa Agosto 29, 2025.
Nagbigay rin ng nakaaantig na talumpati si G. John Mark Ateneo, mag-aaral ng STE, para sa Buwan ng Wika.
Ipinakilala naman ng Direktor ng Human Resource Management Office na si Atty. Evelyn Marrero ang mga guro na nakatapos ng kanilang advanced studies.
Muling ipinaalala sa lahat na simulan ang linggong ito na si Hesukristo ang ating huwaran. Magsalita nang may kahinahunan, sumagot nang may biyaya, at gumamit ng mga salitang nagdadala ng kapayapaan kaysa sa pagmamataas, mga salitang nakakagaan ng pakiramdam, hindi nananakit.
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ!