
𝙈𝙪𝙡𝙩𝙞-𝙋𝙪𝙧𝙥𝙤𝙨𝙚 𝘽𝙪𝙞𝙡𝙙𝙞𝙣𝙜, 𝙋𝙤𝙗𝙡𝙖𝙘𝙞𝙤𝙣, 𝘽𝙤𝙣𝙩𝙤𝙘, 𝙈𝙋—𝙄𝙥𝙞𝙣𝙖𝙜𝙙𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝘽𝙤𝙣𝙩𝙤𝙘 𝙘𝙖𝙢𝙥𝙪𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣, 𝙞𝙠𝙖-29 𝙣𝙜 𝘼𝙜𝙤𝙨𝙩𝙤 2025 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙜𝙞𝙩𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖’𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙩𝙞𝙢𝙥𝙖𝙡𝙖𝙠 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙡𝙞𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙚𝙨𝙩𝙪𝙙𝙮𝙖𝙣𝙩𝙚.
Ang nasabing selebrasyon ay may temang, “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Sa pambungad na talumpati ng direktor ng MPSU-Bontoc na si Dr. Arel B. Sia-ed, iginiit niya na kailangan nating pag-aralang gamitin ang wikang Filipino.
“Sa bawat tula, awit, at guhit na pinamalas, pinatunayang ang wika ay hindi lang basta salita– ito’y puso at kaluluwa ng ating pagkatao,” dagdag pa nito.
Sa mensahe naman ng pangulo ng Unibersidad na si Dr. Edgar G. Cue, na inihatid ng Bise-Presidente ng Administrasyon at Pananalapi na si G. Reynaldo P. Gayo, Jr., pinaalala niya na ang wika, Filipino man o alinman sa mga katutubong wika “ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipag-usap, sa halip, ito ang hibla na tumatahi sa iba’t-ibang rehiyon, kultura at karanasan tungo sa iisang bayan.”
Nagtanghal naman ang mga mag-aaral mula sa Teacher Education ng isang drama musikal; Student Cultural Arts Group ng mga katutubong sayaw ng probinsiya; at Folk Dance Group ng Itik-Itik na katutubong sayaw.
Samantala, ang mga sumusunod ang nanalo sa mga naganap na patimpalak:
Isinaulong Talumpati
1st Place: Jefferson Falancy
2nd Place: Rhizzpe Waggayen
3rd Place: Erica Dammit
Awiting Bayan/ Katutubong Awit
1st Place: Emmanuel Maingag (STE)
2nd Place: Grendel Ollayan (SHE)
3rd Place: Zhenyra Bagangan (SIHSTM)
Madamdaming Pagbigkas
1st Place: Ganayo Pekas (SABT)
2nd Place: Marie Yamson (STE)
3rd Place: Hannah Daping (SHE)
4th place: Wyner Abanse (SIHSTM)
Paggawa ng Poster
1st Place: School of Teacher Education
2nd Place: AB in Political Science and BS in Office Administration
3rd Place: School of Teacher Education
4th Place: BS in Criminology
Sabayang Pagbigkas
1st Place: School of Teacher Education
2nd Place: School of International Hospitality and Sustainable Tourism Management
3rd Place: School of Accountancy, Business Education, and Technology
Maligayang pagbati sa inyong lahat!
#SDG4QualityEducation